Saturday, May 22, 2010

ANAK-ANAKAN

Napanaginipan ko ang aking 3 anak-anakan. Hindi ko alam bakit.. Naalala ko tuloy ang mga maliligayang araw na kasama ko sila. Sobrang miss ko na sila at gusto ko silang yakapin. Sina Ina, Ems at Anjo ay mga anak-anakan ko sa organisasyon - Theatre Guild -- silang taatlo ang pinakamalapit sa akin. Meron pang isa si Lovely pero ewan ko nakakatuwa man isipin pero siya ang nakakapagpaiyak sa akin, napakatigas ng batang ito at hindi ko alam paano siya amuhin. Mahirap kasi kahit anong sabihin mo sarili lang niya ang kanyang susundin.

Namimiss ko ang panahon kasam ko sila sa tambayan. Lagi silang nakatambay doon, samantalang ako madalang lang. Pag may oras pinupuntahan ko sila, at super nawawala ang aking stress pag nakikita ko sila kamayan sabay hug and kiss at sabing momii/nanay.. Hay nakakamiss ang mga panahong iyon, kwentuhan, kulitan, tampuhan.

Si Ems yan ang anak-anakan ko never pa nagkaroon ng bf, at natutuwa ako sa kanya kahit may nagkakagusto sa kanya never niya inEntertain at lagi niya akong sinasabahin kung ano dapat niyang gawin. Marunong din ang batang ito. Mabait at mapagmahal sa dada niya kahit lagi siyang ginagabi pag nasosobrahan sa tambay. Madalas niya din akong bigyan ng mga chocolates, si mama niya kasi nasa ibang bansa. Napakasweet nito at lagi niyang gustong magkabalikan daw kami ng ex ko sa TG para may daddy na daw sila. Subalit ngayon iba na ang gusto niya para sa akin. Bagay daw kami at lagi ko naman daw maasahan ang lalaking ito. Kung alam lang niya ako din gusto ko ang lalaking ito pero hindi pa ngayon ang tamang oras, kung pwede nga lang.

Si Love, anak ko ito na may anak na. Hindi ko mawari ang kanyang ugali. Pati boyfriend niya nahihirapan sa kanya. Tanging si Ina lamang ang pinapakinggan kaya pag ako nagpapayo nasasaktan ako kasi parang binabalewala niya mga pangaral ko. Pero yun siya, dapat ko nalang siyang intindihin at mahalin.

Si Anjo ito ang lalaking ko anak-anakan natawa ako kung paano ko siya naging anak kasi daw naiingit siya sa iba dahil momii nila ako. Itong batang ito ay napakakulit at malambing, Subalit pag may problema ito, nanahimik lamang at matagal bago mo mapaamin kung ano ang dinaramdam niya. Madami nagkakagusto sa batang ito pero ang kanyang tinitibok ay hinihintay pa lamang niya, Sana maging sila ng kanyang iniibig para mapawi ang pangungulila niya sa mga kaibigan.

Si Ina, ito ang pinakmalapit sa aking puso. Sobrang namimiss ko siya dahil nagkaroon ng lamat ang aming pagsasamahan ng magkaroon ng pag-iibigan sa kanila ng dati kong inibig. Pero ngayon ayos na ang lahat, hindi ako nagalit dahil nagmahalan sila kundi dahil hindi lang niya sinabi sa akin ang lahat. Gayunman ayos na kami ngayon at unti-unti ng bumabalik ang dati. Napakalambing din ng batang ito kaya mahal na mahal ko siya.

Mga anak-anakan ko, malalambing silang lahat at mahal na mahal ko. Nakakatuwa man isipin na ayaw na nilang magkaroon ng kapatid na iba, kaya pag may nagsasabing pwede ba kitang maging mommy? Lagi ko sinasabihan na mag-apply sila sa mga anak ko. Kakatuwa pero ayaw nila,gusto nila sila lang apat. Namimiss ko din ang kakulitan nila pag hinahanapan nila ako ng lalaking magmahal sa kin para may Daddy na daw sila. Mga anak ko, tunay kong mahal.


***MAHAL KAYO NI NANAY***

1 comment: